Chapter 11 Thana's P. O. V. Nagparke kami sa tapat ng squater area kung saan maluwag ang daan. Kita ko ang paninitig ng mga kapitbahay naming squater sa kotse ni Magnus. Sa pagkakaalam ko ay isang sikat na brand ang kotse ni Magnus pero hindi ko alam ang pangalan. Hindi ako maalaman sa mga ganitong bagay na pangmayayaman lang. "Let's go," ani Magnus at hinawakan ang kamay ko. Napangiti naman ako. Tumawid kami ng kalsada at napatingin ako sa mga kapitbahay namin na masama ang tingin sa akin. "MAMA!" napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Morana. Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay namin at nadatnan ko si Morana na umiiyak habang namumula ang kaniyang braso. Hinahampas pala siya ni Mama gamit ang hawak ni Mamang walis. Kita kong yakap ni Morana ang supot ng pa