Chapter 12 Magnus Othello's P. O. V. Inilagay ko sa backseat ang mga paper bag at sumakay doon si Morana sa tabi ng mga ito. Pansin kong tuwang-tuwa ang bata sa mga bago niyang damit. This is the first time I'm doing this at napakagaan sa pakiramdam na magbigay ka at ma-appreciate 'yon ng pinagbigyan mo. Nasa trunk naman lahat ng pinamili namin na gamit sa condo. Sumakay na ako sa kotse at binuksan ang makina. Nakita ko namang nag-struggle si Thana sa paghila ng seatbelt. Akmang tutulungan ko siya pero tinabig niya ang kamay ko. "Ako na," aniya. "Sure." Nag-drive na ako pauwi sa condo namin. Iniisip ko pa kung mayroong malapit na laundry para malabhan lahat ng binili namin. Nakakita naman ako ng Starbucks na may drive thru. Parang gusto ko ng hot coffee kaya dumaan