Chapter 13 Thana's P. O. V. Kinabukasan ay nakiusap ako kung pwede na ba kami pumunta kay Ophelia ngayong araw. Wala akong pang-contact sa kaniya at sanay siyang pinupuntahan ko siya. Mabuti na lamang at mabait si Magnus. Pumayag siyang puntahan namin si Ophelia. "She's your only bestfriend, right?" tanong ni Magnus habang nagmamaneho. "Oo, wala akong naging kaibigan kung hindi siya lang. Noong elementary kasi ako, wala akong naging kaibigan dahil nabu-bully ako. Ganoon kasi kapag wala kang pera," sabi ko. "The hell, bakit ka naman pumayag na i-bully ka lang?" "Syempre, wala akong laban. Marami sila at iisa lang ako, walang naawa sa akin. Dugyot pa nga ang tawag nila sa akin noon, pinaglumaan kasi ang uniform ko," kwento ko. Pansin ko naman ang awa sa mga mata ni