Chapter 14 Magnus P. O. V. "You, sales lady!" sigaw ko. Halos mapatalon sila sa gulat nang makita ako. Ang lahat ng customer ay napatingin sa akin. "Give me pads," I said directly. They looked at each other and whispered. "Hindi ba siya 'yong sikat na anak ng may-ari ng building doon sa--" "I said give me pads!" sigaw ko sa sobrang inis dahil ang babagal nila kumilos. "A-Ah--sir, anong pads po ba? Para sa regla? Napkin?" tanong nito. "Yes, where is it?" sabi ko. Nagtinginan pa ang dalawa at ultimo naghihintayan kung sino ang kikilos sa kanilang dalawa. "Can you make it faster?" inis kong sabi. Tumakbo ang babae sa isang stall kaya sumunod ako. Tinuro niya ang isang part ng stall na may mga pakete at iba't ibang kulay. "Where's the pad?"