Chapter 15 Thana's P. O. V. Paggising ko ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi na sobrang sakit ng puson ko na halos mamilipit ako. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magpalit ng napkin at saka naghilamos. "Magnus?" tawag ko at lumabas ng kwarto. Nanibago ako dahil wala si Magnus at Morana. Nakita ko lang na may mga plato sa lamesa. "Nasaan kaya sila?" bulong ko at lumapit sa table. Napansin ko namang may note sa ibabaw ng nakatakip na plato. 'Kumain ka na, ihahatid ko lang si Morana sa school' "Ang ganda naman ng penmanship ni Magnus," bulong ko at naupo sa hapag. Tinanggal ko ang nakatakip sa mga plato at nakita kong may boiled egg at kanin. "Paniguradong si Morana ang nagturo kung paano lutuin 'to," sabi ko at mahinang tumawa. Nag