Reed MAAGA akong umuwi ngayon at dumaan ako sa flower shop. I got home at two in the afternoon but the house seemed awfully quiet. Alam kong gusto n'yang mapag-isa kagabi at ang balak ko ay magpalamig lang sa salas pero sa pagod ko sa opisina ay tuluyan na akong nakatulog doon. Maaga akong gumising para pumasok sa opisina para bigyan s'ya ng kaunting panahon pa. When Kaia is mad, you need to let her be. Wala rin sa bahay si Nanay, hindi ko alam kung saan nagpunta dahil nang umalis ako ay natutulog pa s'ya. Nagtext lang s'ya na may pupuntahan. I didn't bother asking her where. Tinawag ko ang asawa ko pero walang sumasagot. Baka inaantok lang kaya sinilip ko sa kwarto. Nang buksan ko ay parang may mali. Maayos ang kama at bagong palit ang latag. Pumunta ako sa banyo at naroon pa rin ang m