Kaia Nang makarating ako sa bahay ay ipinarada ko sa driveway ang kotse. Sinalubong ako ni Yaya. "Kaia, anak.. kanina ka pa hinihintay ng asawa mo. Hindi ka daw n'ya makontak. Gusto na ngang tumawag ng pulis." "Hayaan mo s'ya, Yaya," inabot ko sa kanya ang susi ng kotse. "Saan ka ba nagsuot? May problema ba?" "D'yan lang po sa tabing dagat," I faked a smile for her. "Kumain ka na ba?" "Madami po akong nakain na meryenda kanina at busog pa." Nagpaalam ako sa kanya at bumalik sa bahay nina Reed. Napansin ko ang kotse n'ya sa garahe. Nakakailang hakbang pa lang ako ng hagdan ay nakasalubong ko na ang asawa ko. "Where the hell have you been?" He sounded mad. Ibig kong matawa. S'ya na nga ang may atraso sa akin ay s'ya pa ang galit. Nilampasan ko s'ya at nagpatuloy sa pag-akyat. Rinig