Steven's POV Twins “f**k you, Steven!” “Same to you, bro!” Minuwestra ko pa sa hangin ang kamay ko at pinakita sa kaniya. “Gago ka! Papatayin kita!” Banta niya at umigkas ang kamay niya sa ere at sinugod ako. “Hindi ko sinabi na ganoon ang gawin mo sa kaniya, Steven! Kinawawa mo iyong tao! Pinahirapan mo na nga kagabi tapos nagawa mo pang palayasin ng hindi mo man lang pinagpapahinga!” Naiwasan ko naman ang atake niya ngunit sa inis ko ay tinadyakan ko siya dahilan para mabuwal siya at sumubsob siya sa kama. Buti at doon siya sumubsob. Paano kung sa baldosa? Malamang putok ang labi niya at nagpapambuno na kami ngayon sa sahig! “Anong klase kang kapatid, Steven? Traydor ka! Sarili mong kapatid ay trinatraydor mo! Sinamantala mo ang pagkakataon na binigay ko sa iyo para—” “Tsk! Tsk!