Careela's POV “Caree, wait!” I heard Tita Stella scream. Nag-echo pa ito sa apat na sulok ng mansion kaya naman alam kong hindi lang ako ang nakarinig ng pagsigaw niya. Baka nga pinag-uusapan na ako ng mga tsimosa rito. Dinig na dinig kanina kung paano makiusap sa akin ang dalawang matanda na pag-usapan namin ang naganap sa amin ng anak nila. Ako na ang tumanggi at nag-insist na aalis na dahil alam ko naman na wala ng dapat pang pag-usapan kami ni Erwhan. Tinapos na ito ni Erwhan nang palabasin niya ako sa kwarto niya at sabihin na umalis na ako at huwag na huwag nang magpapakita pa sa kaniyang muli. Masunurin naman ako at hindi ganoon kakapal ang mukha ko na mag-demand ng kung ano after what happened to us. Ginusto ko rin iyon. It ends there so there is nothing to talk about. Sobra-sob