Caree's POV Ilang beses ako na nagtangkang makausap ng palihim si Erwhan ngunit hindi naman ako makahanap ng timing. I want to know everything and I want him to clarify everything that he said to me. Subalit hindi ko magawa dahil pakiramdam ko laging pinagmamasdan ni Steven ang mga kilos ko. Na kahit saan ako magpunta ay nakasunod ang mga mata niya sa mga kinikilos ko. Hindi lang iyon ang napansin ko sa kaniya. Lagi rin siyang nakabuntot ngayon sa akin na labis kong pinagtataka, na pati ang paggamit ng banyo ay nais pa niya akong samahan. Bantay-sarado siya sa akin na akala mo na kapag nalingat siya saglit ay mawawala ako sa kaniya. Hinahayaan ko na lang siya, alam ko naman na napa-paranoid na siya kakaisip dahil sa pagbabalik ni Erwhan. Well, kabahan na siya. Kapag napatunayan ko na t