Hindi pakakawalan

1228 Words

Steven’s POV Iyong matagal ko ng kinatatakutan na mangyari ay mukhang mangyayari na nga. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Ilang beses akong nagkamali ng pindot sa mga button na nasa harapan ko. Mabuti na lang at agad ko itong naitatama, kung hindi ay malalagot ako kay Daddy Erwin kapag bumulusok pababa itong private plane ng mag-asawang Hakan at Vaniella na ako ang piloto. Lagot na kapag nagkataon. Hindi lang ako ang malalagot kay Ninong Vince, maging si Daddy ay baka mapatay din ako kapag nangyari iyon. Magiging mitsa ito ng pagkawasak ng kanilang pagkakaibigan lalo na at hindi birong mga tao sina Hakan at Maria Vaniella. Well, hahayaan ko ba naman iyon? Hindi ako nagpakadalubhasa sa pag-aaral para lang pumalpak ako ngayon. Sinikap ko na lang na burahin sa utak ko an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD