Careela's POV "Napakasama niya! Sana hindi na lang ako umasa!" Isang malakas na hagulgol ang pinakawalan ko nang makapasok na ako sa unit ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang pigilan ang mga luha ko sa harapan ni Ate Chona kanina habang sinasabi niya sa akin na ikakasal na si Erwhan sa fiancee niya. Sila pa rin pala ang magkakatuluyan, akala ko kami na dahil magkakaanak na kami. Mas lumakas ang hagulgol ko dahil ang tanga ko talaga kahit kailan. Hindi ko ginagamit ang utak ko at palagi na lang akong nagpapadala sa init ng katawan ko na lagi niyang pinagniningas kapag nagdidikit kami. Hindi ko rin maiwasan at mapigilan dahil nakakadala. Isa pa, masarap, alam ko na ngayon kung bakit ang daming nabubuntis sa maagang edad. Katulad ko na hindi pa tapos ng grade school. Mag-grade twelve