Erwhan's POV “Chona, umalis na ba si Caree?” Tanong ko kay Chona nang tawagan ko siya sa cellphone number niya. Naririnig ko kasi ang pagtawag ni Caree sa labas ng unit ko. Nakaupo ako rito sa sofa at naghihintay na sunduin ako nina Mang Allen at Allan. Ang mag-ama na bodyguard ko at driver. “Umalis na siya, Sir. Bumalik na siya sa unit niya. Bakit kasi hindi mo siya hinarap? Mukhang paiyak na siya, nakakaawa naman. Tapos hayun, galit na galit na umalis dahil sa utos mo sa akin na sabihin ko sa kaniya,” turan naman ng tauhan ko na halatang awang-awa kay Caree. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at pinukpok ang lamesa na kaharap ko. Kung saan naroon ang bote ng alak at isang kopita na may yelo. Muntik ng matumba ang nasa ibaba ng lamesa mabuti na lang at agad ko itong nahawakan b