Careela's POV “Caree, ano'ng ibig sabihin ng mga ito???” Histerikal na boses ni Chelsea ang gumising sa natutulog kong diwa. Napaupo ako ng wala sa oras at kinusot ang mga mata ko dahil sa gulat ko sa lakas ng boses niya. As if she was in war and ready to bang. Pambihira naman, oo. Kita naman na natutulog ang tao, ang lakas ng bunganga! Ano ba kasing problema niya at kung makasigaw siya ay parang may ginawa akong kabalbalan? Can she just wait until I wake up? Need pa talagang maging parang megaphone ang boses niya para lang gisingin ako at tanungin sa isang bagay na wala akong kamalay-malay. Ano ba kasi iyon? Ako pa talaga ang need mag-explain? Patamad na nilingon ko si Chelsea sa direksyon kung saan ko siya narinig na nagsalita at mabibigat ang hakbang na naglalakad. Nagtataka na