Steven's POV Hindi ako nakahuma sa sinabi ni Careela lalo na nang makita ko siyang parang hinang-hina at tila maiiyak pa yata. Masakit pa rin sa kaniya ang ginawang pag-iwan ni Erwhan ng walang paalam. Sino naman ang hindi magagalit. Kahit sino naman ay talagang mamumuhi kapag niloko at pinaasa. Ilang buwan pa lang naman ang nakalipas at kahit abutin pa ito ng ilang taon ay malamang hindi pa rin siya agad makakalimot. Magkakaanak sila at isa pa ito sa nagbibigay ng bigat sa kaniyang dibdib. Kaya naman kapag nababanggit ang pangalan ng aking kapatid, na-tri-trigger siya. Bumibigat na ang kaniyang pakiramdam. But she has to face it. Kahit hindi ko banggitin ang pangalan ni Erwhan, I’m sure she will always remember it by just looking at my face. Kaya pansin ko, lumalamlam ang tingin