Steven's POV Medyo nalungkot ako nitong mga nakaraang araw dahil ilang araw rin na hindi ko siya nasilayan. Para akong tanga na naman na nag-aabang sa kaniyang pintuan at panaka-naka ay sumisilip sa pasilyo kung siya ba ay aking maispatan man lang kahit saglit lang. Sa malas, hindi ko siya matiyempuhan na pati anino niya ay nagtatago para hindi ko ito makita. Kung pwede ko lang sanang ma-access ang loob ng condo unit niya ay ginawa ko na. Mahigpit lang kasi itong ipinagbabawal ni Daddy dahil privacy na raw ito ng bawat owners at tennants na nakatira rito sa building namin. Sariling palagay kasi nila iyon kaya kahit gusto ko sanang ma-access ang cctv sa loob ng unit ni Careela, wala akong mapapala. Nakikibalita na lang ako kay Chona minsan pero katulad ko, wala rin siyang balita sa babae