Steven's POV Sinubukan kong hulihin ang tingin ni Careela para makipagtitigan sa kaniya at makita niya na sinsero ako sa mga sinabi ko, subalit agad siyang nag-iwas ng tingin na tila ilang na ilang na makipagtitigan sa akin. Kanina hindi naman siya ganito. Ang tapang nga niya makipagtitigan na tila hinahamon pa ako. Hindi tuloy ako mapakali sa upuan ko dahil wala siyang naging komento sa haba ng sinabi ko. Baka mamaya, pinag-iisipan din niya ako ng masama gaya ng iniisip niya kay Erwhan. Kaya naman naisip ko na magpatuloy sa aking sinasabi kahit tingin ko ay hindi naman siya interesado na makinig. Kahit na ba sinusubukan niyang maging abala sa kaniyang kinakain ngunit alam ko naman na hindi rin siya mapakali. "A-hem." I cleared my throat first before saying anything. Bahala na, gusto