Steven's POV Nagpahinga muna kami sa Hong Kong International Airport nang makarating kami ng Hong Kong. Sampung oras din ang biyahe namin mula Istanbul hanggang Hong Kong. Nakakapagod iyon at masakit sa pwet kaya sinabi ko muna kay Hakan na mag-stop over muna kami rito para makapagpahinga kami. Tamang-tama, gusto ng mag-asawa na mag-shopping muna para dagdagan ang pasalubong nila sa mga taong naghihintay sa Pilipinas. Napagpasyahan din nila na rito na kami kumain ng tanghalian dahil gusto raw nilang tumikim ng shoyu ramen, siopao, siomai, at iba pang pagkain ng mga Chinese na matagal na raw nilang hindi natitikman. Tamang-tama, gusto rin namin itong matikman ni Careela kaya naman naghanap agad ako ng magandang spot na pwedeng paglandingan. Habang papunta kami sa lugar na napili ng mag-a