Caree's POV Tahimik si Steven buong biyahe, kakausapin niya lang ako kapag may pinapaabot siya sa akin. Tulad ng inumin, tissue o kaya ay kung magpapasubo siya ng pagkain sa akin Inisip ko na lang na baka pagod siya at exhausted sa naging biyahe namin mula Pilipinas patungo ng Istanbul at heto nga ay pabalik naman kami ng Pilipinas. Ilang oras lang ang naging pahinga niya kung tutuusin kaya naman nang hilingin niya sa akin na maging co-pilot niya ako ay agad akong pumayag. Kinakabahan man dahil matagal akong hindi nakaupo sa cockpit at nagpaandar ng eroplano, may tiwala naman ako sa pilotong katabi ko dahil alam ko naman na hindi niya ako pababayaan. Siya rin ang nagturo sa akin at nagsanay kaya alam na alam ko kung paano magpalipad ng eroplano. Sisiw na lang ito sa akin kung tutuusin