Caree's POV Kinabukasan ay nagkaroon ng welcome party sa bahay ng mga Ozman. Imbitado ang lahat. Inaasahan ko na magkikita kami ni Erwhan sa biglaang selebrasyon na iyon ngunit hindi pala. Hindi ko alam kung sadyang hindi magtagpo ang mga landas namin o umiiwas lang siya. I remembered what he said to me way back in Pampanga. Nagdududa tuloy ako na baka hindi na naman iyon totoo. Baka pinasasakay na naman niya ako gaya ng dati para may mangyari muli sa akin. Duda tuloy ako na wala siyang kinalaman ng gabing iyon. Maski kasi sina Deborah at Chelsea ay walang alam tungkol sa nangyari sa akin sa Pampanga. Kaya naman hindi ko na rin kinwento sa kanila. Isa pa, kahihiyan iyon. Pagtataksil sa asawa ang nangyari sa akin ng gabing iyon. Kahit hindi sadya at wala akong alam, still kasalanan pa r