Erwhan's POV Lumingon ako sa gawi ng tumawag sa akin. Nakilala ko ito kahit na halos nilipad din ito ng hangin dahil malakas ang hangin dito sa gilid ng dalampasigan. I saw my twin Steven and his wife Caree coming to me to my direction. Agad na kinabog ng kaba ang dibdib ko nang magtama ang tingin namin ni Caree. Ano ang magiging kilos ko sa kanilang harapan? Narito na rin pala sila. Akala ko ay natutulog pa at walang balak lumabas sa kanilang lungga. Nakakapagselos kung tutuusin ngunit wala akong magagawa dahil kailangan ko itong tiisin. Ginusto ko ito. Nagpadalos-dalos kasi ako sa aking mga desisyon noon kaya hanggang ngayon ay pinagdudusahan ko ang mga ito. Ang ganda-ganda ni Caree sa suot niyang simple na dress. Halata ang hubog ng kaniyang katawan especially those legs which I