Erwhan's POV Kinagabihan ay nagtipon-tipon kami sa tabing-dagat, doon napagpasyahan ng mga matatanda na sabay-sabay kaming kumain ng dinner. They set a bonfire malapit sa kung saan kami nakaupo para magsilbing background na rin namin siguro dahil may kumukuha ng larawan habang kami ay nagkakasiyahan sa pag-uusap. Pampainit na rin ng katawan ang bonfire dahil malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa tabing-dagat. Solo namin ang resort dahil inupahan ng mag-asawang Hakan at Vaniella ang buong lugar para maging private ito sa amin. Ang daming putahe na kanilang pinahanda sa napakahabang lamesa na pinagdugtong-dugtong ng mga staff dito sa resort. I’m sure request ito ng mag-asawa. Pero karamihan naman ay seafoods, isda, gulay, karne ng manok at baka ang mga lutong ulam. May mga puta