Caree's POV Pabiling-biling ako sa paghiga sa kama. Kahit anong posisyon ng tulog ang gawin ko ay hindi talaga ako antukin. Pasado alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Isa rin siguro sa dahilan ay ang pag-aantay ko kay Steven na bumalik dito sa kwarto namin. Nagpaalam siya sa akin na sasama sa inuman sa kaniyang mga kaibigan. Ang sabi niya ay saglit lang siya, mga isang oras lang dahil ayaw niyang malasing. Pero nakalipas na ang dalawang oras ay wala pa rin siya. Malamang na-enjoy na niya ang inom at kwentuhan. Naiintindihan ko naman kung napasubo na siya ng inom, huwag lang sa sanang sobra dahil sumasakit ang ulo niya ng matindi kapag may hang-over. Once in a lifetime lang din kasi sila makumpleto kaya hinayaan ko na. Sumunod din kasi iyong mga family ng kaibi