Steven's POV Nakasandal ako sa kotse ko habang nakatingala ako sa mataas na building na pag-aari ng pamilya ko. Nakatitig ako sa floor kung nasaan ang babaeng pakay ko sana rito ngunit urong sulong naman ako kung lalapit ba ako sa kaniya o hindi. "Tang-na!" Nagbubuga ako ng usok paitaas habang hawak ko ang ikatlong sigarilyo na sinindihan ko. Hindi ko naman inuubos ang stick, ginagawa ko lang stress reliever ito dahil sobrang stress na ako simula pa nang nakaraang mga araw. Pakiramdam ko malalampasan ako ni Erwhan. Pakiramdam ko maaangkin niya si Careela nang tuluyan at maiiwan ako sa gilid na sugatan ang puso at naiinggit sa kaniya. “Putang-ina!” Gigil na bulalas ko pagkatapos kong magbuga ng usok at patayin ang sigarilyo gamit ang sapatos ko. "Hindi naman ako papayag! Una siyang na