Erwhan's POV Hindi lang isang monitor ng computer ang sinira ko. Walang habas ko ring pinagbabato ang ilan pang monitor habang ang iba naman ay tinabig ko dahilan para mabasag ang mga ito at magkandakalas-kalas ang mga piyesa sa sahig. Bale mga limang monitor iyon, hindi ko mabilang ang CPU dahil parang halos lahat yata ay nasira. Tapos nadamay pa ang mga swivel chair at lamesa na nakakalat sa daraanan ko dahil pinagtatadyakan ko ang mga ito sa sobrang gigil ko. Basag ang mga lamesa habang ang mga swivel chair naman ay puro bali. Kaya naman sobrang kalat dito sa kinaroroonan ko. Mukhang nalindol. Parang binagyo pa nga dahil puro mga bubog ang nasa sahig at wasak na mga piyesa. May mga cable pa nga na nag-s-spark-spark dahil naputol at nakadugtong pa sa saksakan ngunit hindi ko na ininti