Careela's POV Dahil araw ng Biyernes ngayon, wala sina Deborah at Chelsea. Umuwi sila kahapon sa kanila at bukas pa ang balik nila ng hapon. Magsisimba kami kinabukasan, araw ng Linggo kaya naman umisip na ako ng damit na aking susuotin para sa araw na iyon. Puti ang dress code namin, ito ang sabi ng dalawa bago sila umalis kahapon. Kaya naisip ko na magsuot na lang ng puting bestida. Iyong regalo sa akin ni Lolo Carlito noong eighteenth birthday ko. Speaking of that old man. Kumusta na kaya siya? Ang tagal na naming hindi nagkikita. Halos magtatatlong buwan na rin nang umalis ako sa poder niya para pagbayaran ang atraso niya kay Tito Erwin. Pakiramdam ko hindi ko na madama sa puso ko ang galit ko sa kaniya. Siguro dahil likas sa akin ang pagiging maawain at mapagpatawad. Iyong kahit na