Steven's POV Tok! Tok! Tok! Natigil ako sa panonood ng show sa telebisyon nang marinig ko ang mga katok sa pinto. Agad na lumipad ang tingin ko rito at kumunot ang noo. It's either ang delivery boy ito ng mga pagkain na in-order ko online. O, si Chona ito na hinihintay ko pa mula kanina ang kaniyang pagdating dahil gusto ko siyang makausap sa isang importanteng bagay. “Sir Steven? Narito na po ako!” Sigaw galing sa labas ng unit ko pagkatapos ng mga katok muli niya sa pinto. Hindi kasi ako agad sumagot dahil hinihintay kong magpakilala ang nasa labas, nakikiramdam muna ako sa loob kung sino ang nasa labas. Baka sina Daddy at Mommy ito na sinabing dadalawin ako rito any moment dahil gusto nilang makasiguro na nasa maayos akong kalagayan at iniinom ko ang mga gamot na nireseta ng doktor.