Chapter 5

2175 Words
PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA __ Hindi binitiwan ni Cyden ang kamay ko habang papasok kami sa kompanya na pagmamay-ari ng pamilya nila, Abellera's. He was the one who suggested na doon na ako magtrabaho simula noong ikasal kami. Tito Samuel also favored that. Mas mabuti raw na sa isang workplace lang kami nagtatrabaho ni Cyden. He had always been so nice to me. He always wanted to make sure na komportable ako sa kompanya, ganoon din si Cyden. I just thought na hindi ko na kailangan pang magpakahirap na maghanap ng trabaho sa ibang company. Cyden knew how much I wanted to get everything fair, kaya naman tinanggap ko ang posisyon na bagay sa akin sa kompanya. Wala naman akong naging problema roon bukod sa mga katrabaho ko na halatang hindi ako gusto for some reasons. I worked fair, but maybe they thought na may free pass ako at hindi ko deserve na magtrabaho doon. I had no friends there o kahit iyong matatawag na close man lang. It wasn't a problem for me. I wasn't much of a conversationalist anyway. I just also wanted to focus on my work. Pumasok kaming dalawa ni Cyden sa loob ng lift. Nakakaisang akyat pa lang iyon nang muling huminto. Dahan-dahan bumukas ang pintuan at unti-unti ko ring nakita ang lalaking nakatayo sa labas. I saw those... familiar pair of dark brown eyes. Naging blanko sa ilang sandali ang isip ko hanggang sa unti-unti nang naproseso ng utak ko na ito nga ang nakatayo roon. Nagsimula na namang manlamig ang mga paa at kamay ko at naging pamilyar na naman ang kabog sa dibdib ko. I was... surprised. I wasn't expecting na sa dami ng lugar, sa building ng Abellera ko siya makikita ulit. Hindi ko nagawang tanggalin ang tingin ko sa kaniya hanggang sa marinig ko ang tinig ni Cyden. "Engr. Mendez..." Lalo akong naguluhan. Mas hindi ko inaasahang kilala siya ni Cyden. Tuluyan itong pumasok ng lift at bahagyang umangat ang sulok ng labi. Nilahad ni Cyden ang kamay rito. "I didn't expect you to be early. It's nice to see you." Tiningnan iyon ni Dustin bago tuluyang abutin. They shook each other's hands. "Nice to see you..." he casually said before shifting his gaze at me. Mabilis na nagkaroon ng bara ang lalamunan ko. I was still trying to process that they knew each other. Parehas silang engineer... I should have known na posible iyon. Pinalupot ni Cyden ang braso sa baywang ko. "Anyway, this is my wife, Irene. She's an employee here." My heart raced with... fear. I couldn't help but think of the possibility that he might introduce himself as someone... someone from my past. Wala akong nabanggit kay Cyden tungkol sa nakaraan ko. I didn't want anyone to tell him about it nang hindi sa akin naunang manggaling. He managed to casually look at me and extend his hand as if it was the first time we met. "I am pleased to meet you, Mrs. Abellera." Hindi ko alam kung dapat akong huminga nang maluwag o... baka dapat akong mainis sa kaniya. Hindi ako nag-abalang abutin ang kamay niya pero pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo ko nang umangat ang sulok ng labi niya. "You haven't changed." "What?" Cyden asked. He chuckled and again looked at Cyden. "I mean... pare-parehas ang magagandang babae just like your wife, snobbish. You must be... a lucky guy." Kahit hindi ko tingnan si Cyden, I knew he was smiling. "Of course, I'm incredibly lucky. She's just really not used to socializing, but my wife is very welcoming, especially to those she's close with." Muli itong ngumisi sa akin. "Interesting..." Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kaniya at sinubukan kong kontrolin ang paghinga ko. I didn't want Cyden to feel that there was something wrong with me. Narinig kong may meeting silang dalawa at naging tungkol doon ang pag-uusap nila. As usual, Cyden kissed me on my lips before I headed to my working station. Hindi ko alam kung bakit nakuha ko pang muling tingnan si Dustin. Nakita ko agad ang paggalaw ng bagang nito. Bitbit ang bag ko, dumiretso na ako sa sa mesa. Nagsimula agad akong magtrabaho pero hindi ko nagawang mag-focus. Ilang beses na akong bumuntong hininga at ilang beses ko na ring nahilot ang sentido ko. I wasn't comfortable na nasa building siya, lalong-lalo na kausap niya si Cyden. Nanlalamig ang mga kamay ko with the thought na may sabihin siya rito na hindi niya dapat sabihin. Kilala ko siya... he loved making everyone upset. I was too occupied na halos mapatalon ako nang may lumapit sa mesa ko. I just immediately calmed myself down. "Okay lang po kayo, Ms. Irene?" I absentmindedly nodded. "Yeah... sorry, what w-was that?" "Pinapatawag po kayo ni Mr. Abellera sa executive's meeting room." "I see... t-thanks." Inayos ko lang ang ilang papel sa mesa ko. Isang malalim na hininga pa ang pinakawalan ko bago ako tumayo mula sa inuupuan kong swivel chair. Habang papalapit ako sa meeting room, lalong namamawis ang katawan ko. I again heaved a deep sigh and closed my eyes for a while before knocking three times on the door. Parehas silang nakatingin sa direksyon nang makapasok ako sa loob. Nakangiting tumayo si Cyden para marahang kunin ang kamay ko at sumabay sa aking lumapit sa mesa. "Honey, Engr. Mendez and I were talking about building a partnership. We will be working on creating subdivisions and mansions. We still have big spaces here for new offices kaya mas mabuting dito na muna siya mag-base. I don't want to leave this building almost every day. That's a hassle. Ang sabi niya ayos lang naman sa kaniya, but he wants an assistant who knows something about our field. Ikaw agad ang naisip ko, Hon." Napalunok ako. "W-Why me?" He squeezed my hand. "Because... I know matagal mo nang gustong maging career ang field mo. I want you to enjoy what you love doing. Also, I believe in your knowledge. I know you are the best for this. You will learn a lot and you will be ready to be an architect soon." He was right. Hindi ko pa rin nakakalimutan na gusto kong maging architect at gusto kong maging trabaho ang field na pinag-aralan ko, although I wasn't able to finish college. Plano ko pa lang bumalik pero hindi ko pa iyon napag-iisipang mabuti. He was always pushing me to pursue what I love and fulfill my passion. He never failed to tell me na kaya ko and that one day matutupad ko talaga ang mga pangarap ko. If it wasn't Dustin I'd be working with... baka hindi ko na kailangang magdesisyon sa offer na iyon. "P-pag-iisipan ko." Muli kong nasulyapan ang ngisi sa mga labi ni Dustin. Ayokong isipin na sinadya niya ang pagpunta. Cyden's touch calmed me down, even just a bit. "Sure, Honey. I won't pressure you. Take your time." Ayokong magtagal doon kaya nang may pagkakataong lumabas ay hindi na ako nagdalawang-isip. Napapikit ako nang mariin habang naglalakad sa hallway pabalik sa mesa ko. I knew I wouldn't be able to focus, no matter how much I tried. Sa dinami-raming tao, hindi ko inaasahan na si Dustin ang tinutukoy ni Cyden noon pa na nakakausap niya tungkol sa partnership na iyon. He was also an engineer at alam ko na matagal niya na ring gustong i-exercise ang field niya. Alam ko rin na mahal niya at gusto niya ang trabaho niya bilang CEO pero mas ginagawa niya lang iyon for Tito Samuel. Sa kanilang dalawa ni Miguel, siya lang ang mapagkakatiwalaan ni Tito pagdating sa business. I was just really in disbelief. Inayos ko na ang gamit ko pagkatapos ng office hours. Dumiretso ako sa opisina ni Cyden na madalas kong gawin simula pa noong magtrabaho ako sa kompanya. I gently knocked on the door before coming in. Mula sa papel sa mesa, nag-angat ito ng tingin sa akin. Nasulyapan ko agad ang kislap ng mga mata nito at ang matamis na ngiti sa mga labi niya. As usual, binitiwan niya agad ang hawak na papel at pen para ibigay sa akin ang buong atensyon niya. Minsan nagdadalawang-isip na akong puntahan siya dahil kahit gaano ka-busy ay humihinto talaga siya para tingnan at pakinggan ako. Ayoko nang inaabala siya. "How's my wife?" Marahan akong umupo sa silya sa harap ng mesa niya at pinilit ding ngumiti. "I'm okay..." "I can't come home with you. I still have a lot of things to do, Honey." I slowly nodded. "It's fine... I just..." Lumunok ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol sa nakaraan namin ni Dustin. I wasn't even sure kung dapat ko pa bang sabihin dahil matagal naman na kaming tapos nito, and whatever was in the past, no longer matter to me. Marahan nitong inabot ang kamay ko at hinaplos iyon. "Is there a problem?" Hindi ko nagawang sumagot agad. Hanggang ngayon, Cyden knew a little about me. "Is it about the job I offered you earlier? You don't have to worry about that. Mabait si Engr. Mendez. Sigurado ako wala kang magiging problema sa kaniya, Hon." "H-How did you... meet him?" "One of my investors introduced him to me. Nakita ko ang ilang gawa niya and I was actually amazed. I heard isa siya sa pinaka-magaling na engineer dito sa bansa at marami na siyang achievements even outside the country. Have you seen the newly built arena in Dubai, Hon? He handled that project. I think he really has a lot to offer at naging maganda ang flow ng conversation namin. Marami na rin siyang connection sa industry. May mga mutuals na kami. I see that he's very smart as well... so when he offered a partnership, pinag-isipan ko nang mabuti. I don't want to lose this chance. I guess this partnership will be huge and successful, Hon." Wala sa loob na tumango ako. So it was Dustin... who offered him the partnership? Ngumiti ito. "Can you still cook dinner for me?" "O-of course..." "Ihahatid na kita sa parking, Hon." "No... you are busy. I can manage." "Sure?" Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Hinatid niya na lang ako palabas ng opisina niya. He embraced me and kissed me before letting me leave. Malalim pa rin ang iniisip ko habang nasa loob ako ng lift. Ayokong isiping tama ang hinala ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I just composed myself again nang tumunog na ang elevator sa pangatlong palapag ng parking area. Hinahayan akong gamitin ni Cyden ang sasakyan niya kapag kailangan niyang mag-stay sa opisina kahit madalas ay pinipilit niya talagang sumabay pauwi. Gumagamit na lang siya ng company car kapag hindi talaga kayang iwan ang workload niya o nagpapasundo sa driver. Nakakahabol pa rin naman siya sa dinner time at madalang itong abutin ng hating-gabi sa opisina. Kapag ganoon ay parati itong tumatawag, almost every hour. Kinapa ko ang duplicate key sa bag ko at pinindot ang unlock button. Papasok na ako sa loob nang makarinig ako ng tinig mula sa likuran ko. "Ano pa'ng dapat mong pag-isipan?" Hindi ako nakalingon agad. The sudden jolt in my chest caught me off guard. Hangga't maaari hindi ko siya gustong makita o makausap. I just didn't want to be so obvious na hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siyang iwasan. Alam ko kung paano siya mag-isip. Ayokong isiping niya na may dahilan ako para gawin iyon. I made sure that I was calm before turning my back. Hindi ako nagpakita ng emosyon kahit pa naging doble ang kabog sa dibdib ko nang matagpuaan ko na naman ang malalim na matang iyon. Prente itong nakatayo sa harap ko habang nakapasok ang mga palad sa magkabilang bulsa. He still looked like that gangster na laging napapaaway sa corridor noon kahit pa nagmukha lang siyang professional sa suot niyang puting long sleeves. "What are you doing here?" casual na tanong ko. "I have a business with your... husband. You witnessed it." "Why Cyden?" I asked coldly. "Why not him? He's the best option, obviously. I wonder why you seem unhappy about it. Are you afraid of working with me?" Ayoko nang pahabain pa ang conversation na iyon. "I don't need to talk to you about this." Tinalikuran ko siya at muling akmang papasok sa loob ng sasakyan pero muli akong napahinto dahil narinig ko ang tinig niya. "Or you are afraid to see me?" Napatawad ko na siya noon pa. That should be enough para putulin ko ang kahit anong ugnayan sa kaniya. Hinila ko pabukas ang pinto ng sasakyan. "You can't avoid me. I told you... I will see you... again." Hindi na ako nag-abalang lumingon o magbigay ng kahit anong sagot. He didn't deserve to hear from me anymore. Pumasok ako ng sasakyan at umalis ng parking area. Pinigilan ko ang sarili kong tingnan pa ito kahit pa sa side mirror. Habang papalayo, papahigpit din ang mga kamay ko sa manibela. He would do whatever he said... and I didn't want him to even start.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD