PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — I was lost in deep thought when someone placed a glass of smoothie in front of me. Kasunod niyon ang isang paper bag na mukhang galing sa isa sa mga restaurants malapit sa building. Nag-angat ako ng tingin kay Cyden. Muli ko na namang nakita ang magandang ngiti nito. He always had that bright smile. It was always heart-warming and peaceful to see. Inayos ko rin agad ang mga papel sa mesa ko. Pansin kong nakatingin sa amin ang ilang empleyado katulad noon. Nasanay na rin ako sa kanila. Hindi nito nakakalimutang dalhan ako ng merienda o magpadala ng merienda kapag wala siya sa opisina. "Thank you..." "Take a rest, Hon. You're too serious." Ito na ang nagbukas ng pagkain para sa akin. All I had to do was swallow the food. Kung wala lang nakatingin sa ami