PAYNE IRENE FABILA- ABELLERA — Naging abala ako dahil dumarami ang customers at ako lang ang nasa counter dahil naka-leave si Pinky. Kahit papaano ay na-e-enjoy ko naman ang trabaho ko. Nakangiti kong inabot sa customer ang order nitong muffins. I was ready to take the next order pero hindi ako nakagalaw agad nang makita ko ang tao sa harap. In an instant, I felt my heartbeat accelerate. Maybe... I was just surprised. "C-Cyde..." "I'd like to order vanilla flavored cake," casual na sambit nito. Hindi ko agad nakuha ang order niya dahil hindi pa rin ako kumikilos. It was just... that scene felt familiar. Pizza ang ino-order niya noon. Pamilyar pero marami ng nagbago— hindi ko na nakita ang ngiti sa mga labi niya at kislap sa mga mata niya. "Put a dedication on it. It's Dad's b