PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Mahigpit kong niyakap si Nanay. Mabilis nag-init ang mga mata ko dahil miss na miss ko na siya. Hindi ko napigilan ang luha ko nang makita kong papalapit si Tatay sa direksyon namin na punong-puno ng saya ang mga mata. Pakiramdam ko gumaan agad ang dibdib ko nang mayakap ko siya. I knew I needed that. Mukhang hindi naman ako nakita ni Kuya Paolo at naging abala agad sa mga dala ni Cyden. "Grabe, ang dami nito, Bayaw!" Nangingiting napailing na lang ako sa kaniya. "Ate! Ate ko!" Napalingon ako sa direksyon ni Aaron. Tumatakbo ito palapit sa akin kasama ang pinsan niyang si Sean. Yumakap agad ito nang mahigpit sa akin. "Ate, miss kita." I chuckled and caressed his hair. "I missed you, too. Bukas magpagupit ka. Ang haba na ng buhok mo." Malapit ni