PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Maaga akong nagising kinabukasan. Napangiti ako nang makita ko si Fiona sa tabi ko. Marahan kong hinalikan ang noon niya bago ako bumangon. Tiningnan ko agad ang sahig sa sala dahil doon natulog sina Kuya kagabi pero wala na akong nakita roon. Dumiretso ako sa restroom para maghilamos at magsipilyo. Medyo inaantok pa ako nang pumasok ako sa kusina. Nakangiting bumaling sa akin si Nanay mula sa niluluto niya. "Magandang umaga, Anak. Ang aga mo namang gumising." "Nasaan po sina Cyden, 'Nay?" Bumaling din ito sa niluluto. "Umalis kanina pa kasama ang kuya mo at ng dalawang bata. Baka nangisda. 'Wag kang mag-alala hindi naman siya pababayaan ng mga 'yon." Lumapit ako sa kaniya at malambing na yumakap sa likuran niya. "I missed you, 'Nay..." She chuck