DUSTIN IAR MENDEZ — Nagising ako na mabigat at masakit ang ulo. Napansin ko rin agad na may kadiliman sa silid at tanging ang lampshade lang ang nakabukas sa bedside table. Hindi ko pa napoproseso ang isip ko hanggang sa makita ko si Irene na nakadukdok sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ko. Unti-unti ko rin naalala ang nangyari. Nakaramdam ako ng kislot sa dibdib ko dahil tila kanina pa ito nanatili sa tabi ko. Hahawiin ko pa lang ang buhok na humaharang sa magandang mukha niya pero unti-unti na siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata. Damn... I so loved those eyes. Agad rin itong bumangon nang makitang gising na ako. "Dustin..." Muli kong naramdaman ang paggalaw ng dibdib ko sa nakikitang pag-aalala sa mukha niya. She gently squeezed my hand. "Are you okay now? How are y