PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Hindi binitiwan ni Dustin ang kamay ko habang nasa biyahe kami pabalik ng lungsod. Sa sasakyan na nito ako sumabay tutal ay daraan din naman ito sa village. Mahaba ang biyahe kaya marami din kaming napag-usapan. There was a part of me... not wanting it to end. Bumaba siya para tulungan akong ibaba ang mga gamit ko. I was just planning to say goodbye to him pero hinigit niya ang baywang ko at inabot ang mga labi ko. I responded for a while pero pinutol ko rin iyon. I was a little bit uncomfortable na nasa harap kami ng bahay. Isa pa, ano mang oras ay makakauwi na rin si Cyden. He caressed my cheek while staring at me with so much emotion. "I'll miss you." Muli akong ngumiti at hinaplos din ang kamay niya roon. "I'll see you tomorrow. Don't forget to cl