PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Kumuha lang ako ng ilang pirasong bulaklak sa garden dahil nalalanta na ang bulaklak na nilagay ni Cyden sa silid niya noong nakaraan. Ano mang oras ay baka pauwi na rin siya. I planned to just arrange the flowers in the room and then make something for him in the kitchen. Papasok pa lang ako sa loob ng bahay pero naririnig ko na ang malakas na tinig ni Miguel. He sounded so mad. I knew something was wrong kaya binilisan ko ang hakbang para makalapit sa kanila. "You're always like that!" narinig kong muling sigaw nito. I saw them in the living room– Miguel, Ana, and Tita Cynthia. Ana was trying to calm him down while Tita was sobbing. Nakita ko namang pababa ng hagdan si Dustin. "A-Anak... you can shout at me... b-but please don't get mad at me—" "W