PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Hindi ko alam kung paano nalaman ng mga tao sa office na buntis ako. Nagkaroon na naman sila ng dahilan para pag-usapan ako. Lalong lumakas ang bulung-bulungan nila nang maupo si Dustin sa tabi ko sa cafeteria. Napatingin ako agad sa kamay niyang dumapo sa kamay ko. I immediately took back mine. Inayos ko ang pagkain sa pinggan ko at binalik ko iyon sa container. Nilagay ko sa sa lunch bag na dala ko kahit halos hindi pa ako nakakain. Tumayo na rin ako agad pero tumayo rin siya at marahang kinuha ang pulso ko. I looked at him feeling so fed up. Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa kaniya na tama na. "Dustin... please, stop it." "What? You're alone and everyone's talking about you. I just want to stay by your side because he canno