PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Isang araw palang pero nami-miss ko na ang bahay at ang pamilya ko. Maraming naging bilin sina Nanay at Tatay bago kami umalis. Pumasok si Cyden sa opisina pero sinabihan niya akong sa bahay na lang muna para makapagpahinga ako pagkatapos ng biyahe kagabi. May meeting lang daw siyang kailangang puntahan at uuwi rin siya pagkatapos. I still kept on looking outside, waiting for him. "Wala kang ginagawa?" Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang tinig ni Miguel. "Do something. Don't be such a burden in this house." I offered to help the maids earlier, but they refused. Ayoko rin namang maging pabigat sa kanila. Tumalikod rin ito sa akin at humakbang palayo. Kinausap ko ang mga kasambahay at nagtanong kung may maitutulong ako sa kanila. I insis