PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Maaga akong nagising kinabukasan. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Yana sa tabi ko. Nanay and I also had to take care of her. Suot niya ang damit ko dahil hindi namin gustong buksan ang gamit niya without her permission. Paglabas ko ng pinto narinig ko na ang tawa ni Aaron at ni Sean. Kumukuha na naman ng mga litrato at video ang mga ito. "Ate, tingnan mo." Tnuro niya sa akin si Kuya at si Cyden. Hindi ko rin mapigilang matawa nang makita kong yakap nila nang mahigpit ang isa't isa at kulang na lang ay magkapalit ang mukha nilang dalawa. "Let them sleep and stop taking pictures. Mapapagalitan ka na naman ni Kuya kapag nakita niya ang mga 'yan." Nakita ko sina Nanay at Tatay sa kusina. Abalang hinihilot ni Nanay ang sentido ni Tatay.