PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Napansin ko na wala na ang mesa ko sa sa dating puwesto. I immediately thought if I was... fired. Bumaling ako kay Cyden nang marinig ko ang tinig nito. "Your table is in my office." Kumunot ang noo ko. Hindi na ako nakasagot pa agad. "You'll work there starting today," he added. Tumalikod rin ito sa akin at nagpatuloy sa paghakbang papasok sa opisina niya. Wala sa loob na sinundan ko siya. Hindi ko na natanong pa rito kung bakit. Maayos naman ang mesa ko, ganoon pa rin noong huli kong iniwan. Hindi na ako nagsayang ng oras at ginawa ko agad ang trabaho ko, lalo at natatambakan na ako ng trabaho. Nag-angat din ako ng tingin nang marinig ko ang katok sa pinto. Pumasok si Yana. Ngumiti agad ito kay Cyden at bumaling sa akin na ganoon pa rin kalawak a