LANA CASTILLO __ "Oh, Lana? Saan ka na naman pupunta?" tanong sa akin ni Manang. "Ah... pupuntahan ko lang po sana si Eenos. D-dadalhan ko lang po ng pagkain." "Siya, sige. Ikumusta mo na rin ako." Bahagya akong ngumiti kay Manang. "Sige ho, Mang." Matagal na rin noong nakalabas na siya sa ospital pero hindi ko pa siya nakitang lumabas ng bahay bukod sa unang beses niyang pagbisita sa tatay niya sa kulungan. Kumatok ako sa pinto nila bago ako pumasok sa loob. Katulad noon, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng mesa nila na tila ba walang buhay. Nandoon pa ang pagkaing iniwan ko noong nakaraan at iniipis na ang mga iyon. Agad ko siyang nilapitan. "Eenos..." Kinuha ko ang mga pinggan sa harap niya at mabilis dinala ang mga iyon sa bangerahan.Tinapon ko na ang pagkain at hinugasan a