ALENSLEY CASTIEL LA GUARDIA __ "Where are you?" Napalunok agad ako sa lamig ng tinig nito sa kabilang linya. "N-nasa grocery. Are you—" Napatigil din ako agad nang patayin nito ang tawag. "Hays..." Nagmamadali kong tinulak ang cart at pumila na ako sa counter ng PWD at senior citizen. Ayokong sumingit pero siningitan ko na si lolo. Nang matapos sa counter ay nagmadali na rin akong nagpunta sa sasakyan at umuwi. "Al! Al!" tawag sa akin ni mom nang makabalik ako ng mansion. "Laro tayo!" I kissed her forehead. "Okay, mom. I'll just see my baby, hmm?" Umakyat agad ako ng hagdan at pinuntahan si K sa silid niya— na silid na naming dalawa. Hindi ko siya maiuwi sa kabilang mansion dahil kahit ako ay natatakot na matulog doon. Nakita ko siyang nagbabasa ng mga papel sa silya sa tabi ng k