"MARAMING salamat, Sergio. Nag-enjoy talaga ako ngayong araw," aniya nang huminto nag sasakyan nito sa tapat ng kaniyang bahay. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo, dahil sinamahan mo akong mamili ng gamit para kay Jason." "Don't mention it. It's for Jason." Katahimikan. Hindi na alam pa ni Anthony kung ano pa ba ang dapat niyang sabihin sa mga oras na iyon. Pero kailangan na niyang magpaalam sa binata. Nagbuntong-hininga siya. "Sergio..." "Anthony." Napatingin siya rito. "Ano `yun?" "I am really happy, na nakasama kita ngayong araw." Tipid niya itong nginitian. "I am too." Lumamlam ang mga mata ni Sergio na nakatitig sa kaniya. "I want to kiss you..." Sa sinabing iyon ni Sergio ay awtomatikong kumabog ng mabilis ang puso niya. Nakikita niya ang pagtingin ng mga mata nito sa labi n