"INUMIN mo na 'yan habang mainit pa." Inilapag ni Sergio ang mainit na isang tasang kape. "Salamat," aniya na agad sinimsim ang kape. Naupo ito sa harapan niya sa lamesang nasa portico. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito nang nakailang higop na siya ng kape. Kunot ang noong tiningnan niya ito. Bakit naman nito biglang natanong kung kinamusta ang katawan niya. Pero awtomatikong pinamulahan siya ng mukha nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. "A-ayos lang naman ako," aniya na umiwas ng tingin dito. "I read it from google that it's still painful kahit pangalawang beses na. Is it true?" Lalo siyang pinag-initan ng mukha dahil sa sinabi nito. Nagbasa pa talaga ito sa google tungkol doon. Yes, it's painful but bearable. Tiningnan niya ito. "Now you are worried?" "Of course I