"SABIHIN mo sa akin, Oni. Pinagsamantalahan ka ba ni Sergio?" tanong ni Dyon kay Anthony habang mataimtim siya nitong tinitigan. "Alam mong hindi ko ugaling mamilit kapag a-," "I'm not talking to you, Sergio," mariing sabi ni Dyon sa binata. Mabilis na umiling si Anthony dahil hindi naman talaga siya pinagsamantalahan o pinilit ni Sergio. "Hindi, Kuya Dyon." "Pinagbantaan o tinakot na huwag kang magsasabi sa akin? Sabihin mo lang, Oni. Papatayin ko ang lalaking ito." Muli siyang umiling. "Kuya Dyon, hindi talaga. Walang nangyaring ganu'n." Nagbuntong-hininga ito. "Alam kong nasa tamang edad ka na, but you are innocent from all of this kaya madali kang nauto ng g*gong ito!" "Pakiusap, Kuya...huwag mong murahin si Sergio." Muling nagbuntong-hininga si Dyon. "Hindi mo ako mapipigilan