"DID YOU know him, Gio?" tanong ni Anthony kay Sergio habang nilapagan niya ito ng juice sa lamesa. "I met him once and we are not close." "Akala ko kayong tatlo lang nila Arthur ang kaibigan ni Kuya Dyon." "Hindi naman 'yan kaibigan ni Dyon. Ewan ko kung anong kailangan niya sa Kuya mo at nandito 'yan." Nahihimigan ni Anthony ang pagkainis aa boses ni Sergio. Nagtatakang tiningnan niya ang pinsan niya at ang kasama nitong lalaki. Mukha namang walang problema sa dalawa at mukha namang close sila, kaya hindi niya maintindihan kung bakit naiinis si Sergio. Humakbang palapit sa kanila si Dyon at ang lalaking kasama nito. "Anthony, si Hecthor nga pala. Hecthor, this is my cousin, Anthony." Pagpapakilala ng pinsan niya sa kanilang dalawa ng kaibigan nito. "Hi, Anthony. Nice meeting you."