WEEK passed by... Maaga silang gumising dahil nagpasya silang apat na magpicnic. Silang dawala ni Sergio ang nakatoka sa pamamalengke para sa babaunin nilang pagkain at iba pang kailangan. "Bakit tayo ang namamalengke?" Himutok ni Sergio habang nakasunod lang ito sa likod niya. "Ayaw mo naman kasi diba magluto?" "Talagang ayoko! Ayokong ipagluto si Hecthor." Natatawang napailing siya. Isang lingo na silang magkakasama pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa at parating nagbabangayan ang mga ito kahit sa maliit na bagay. "Kaya si Hecthor na lang ang magluluto." "And that's is okay with you?" Tumango siya. "Oo, masarap naman siyang magluto." Huminto sila sa bilihan ng isda. Pipili na sana siya ng isda nang pigilan siya ni Sergio sa kamay. "Let me." Lumapit ito at kinuha ang pang-ip