HINDI ako pinakawalan ni Deniz sa araw na 'yon. Sinulit niya at tinotoo nga talaga ang banta niya sa akin bago ako umalis. Ilang beses tuloy may nangyari sa amin. Wala pa kaming proteksyon. Wala eh, ginusto ko rin. Nagpatianod ako sa mundo ng pagnanasa. Kaya kung lumubo man ang tiyan ko. Ginusto ko 'yon. "What are you thinking?" he murmured while wrapping his arms around my waist. Nakahalukipkip ako at pinagmamasdan ang bilog na bilog na buwan. Natutuwa lang akong tignan. Inaantok ako kapag nakatulala sa kalangitan. "Iyong sa tungkol sa kasal. We should discuss it tomorrow. Magiging busy na tayo nito sa mga susunod na araw," sabi ko sa kanya habang nakapahinga ang palad ko sa ibabaw ng palad niya. "Yup. Lalo na mabubuntis ka na. I'm sorry for making you walk in the aisle while pregn