NAGKAKAYAYAAN kami nila Bea sa fishball-an nang uwian kinabukasan hanggang sa sunod-sunod na tatlong araw kaming tumatambay muna sa food cart ni Manong para bumili at kumain bago umuwi. Kaya nagtataka kami na sumunod na araw ay ubos ang tinda ni Manong Ferdie. "Pinakyaw na sa akin kanina. Ang swerte kasi binili lahat heto at pauwi na nga ako," anito habang nagliligpit ng gamit. Napakamot ako sa ulo. "Eh, bakit ganoon kadami? Ubos na talaga? Wala ng stock?" tanong ko. Umiling si Manong. "Wala na. Sabi niya bibilhin niya lahat kasi naglilihi ang misis niya sa tinda ko. Eh, nabanggit niya rin na huwag na nga raw ako magtinda kasi papakyawin niya na. Sige, mauna na ko. Magugulat ang misis ko nito, sobrang aga ko." Humahalakhak pa si Manong bago kami iwan sakay sa foodcart nito. "Wala ta