NANATILING malamlam ang kanyang mga mata. Muli niyang sinakop ng halik ang aking labi. Napapikit ako at ramdam ko agad ang bawat pagmamahal at pagkasabik niya sa kada halik niya. Unti-unting tumataas ang lebel ng aking libido. Matagal na na gusto ko din. Na mas higit pa sana sa halik. Kaya lang, alam kong nagkamali na ako noon at ayoko sanang gawin ko ulit iyon dahil natuto na ako. Bukod doon, nahihiya ako at kinakabahan na maghubad sa harap niya. Matatanggap niya ba ako? Ang hubad na katawan ko? Hindi man tulad sa mga naging ex niya kaya nahihiya ako. Wala akong binatbat. Oo sabi nila maganda ako pati hubog ng aking katawan pero wala sa kalingkingan ng mga ex ni Deniz na animo'y beauty queen. Ngayon, handa na ba ako? Maghubad ulit para sa lalaki? Maghuhubad ulit kahit hindi kasal? Ma