MAGKASAMA kami ni Deniz sa mga undercover missions. Sa bilis ng mga araw, nakakalahati na kami ng taon. Nagkaroon na kami ng arguments ni Deniz. Although, mababaw lang at thankful ako na walang third party, walang bisyo kaming pinag-aawayan. "Why would I? Ikaw na lang," sabi ko at tinalikuran ko siya na para bang tinatapos ko na ang usapan. "Masikip na dito, Bree. Let's move to a bigger unit. Ano naman kung ako ang bibili? Does it matter? Magpapakasal din naman tayo, so what's the difference?" aniya at sinundan pa talaga ako. Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Mahalaga sa akin 'to. Pinaghirapan ko 'tong makuha. Sariling sikap ko 'to, Deniz. Isa pa, matagal na tayong nandito, ngayon ka lang nasisikipan?" "Hindi naman natin ibebenta. Lilipat lang tayo sa malaki. I don't underst